Marikina Online Registration Para sa Bakuna Laban sa COVID-19
PIO Department
April 8, 2021
Upang maiwasan po ang pagdagsa at masiguro ang kaligtasan ng mga babakunahan at kaayusan sa vaccination center, BY SCHEDULE o BY APPOINTMENT po ang pagpunta sa vaccination site. Maghintay ng text, tawag o email na manggagaling sa Marikina LGU or barangay (stub).
Upang maging mabilis ang pag-access sa Online Registration Sites para sa Bakuna laban sa Covid-19, mayroong hiwalay na registration LINKS ang mga PRIORITY GROUPS na senior citizens (A2), senior citizens na bedridden (A2 subcategory 2), at persons with comorbidities (A3).
Paano mag-register online para sa COVID-19 Vaccine?
1. Alamin ang iyong kategorya o kung saang prayoridad na sektor o grupo ka nabibilang:
- A1: Frontline workers in health facilities both national and local, private and public, health professionals and non-professionals like students, nursing aides, janitors, barangay health workers, etc.
- A2: Senior citizens aged 60 years old and above
- A3: Persons with comorbidities not otherwise included in the preceding categories
- A4: Frontline personnel in essential sectors, including uniformed personnel and those in working sectors identified by the IATF as essential during ECQ
- A5: Indigent populations not otherwise included in the preceding categories
- B1: Teachers, social workers
- B2: Other government workers
- B3: Other essential workers
- B4: Socio-demographic groups at significantly higher risk other than senior citizens and indigent people
- B5: Overseas Filipino Workers
- B6: Other remaining workforce
- C: Rest of the Marikina population not otherwise included in the above groups
2. Mag-register base sa kategorya:
https://marikina.gov.ph/vaccine/home?category=A2
3. Ilagay ang tama at kumpletong impormasyong hinihingi. Sa dulo ng registration process ay makikita ang inyong pangalan at control number kung kayo ay successfully registered.